Assam State sa India, niyanig ng magnitude 6.4 na lindol

208

Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang Assam State sa Northeastern India kaninang umaga.

Ayon sa US Geological Survey, may lalim itong 29 kilometro na sinundan pa ng magnitude 4.3 at 4.4 na aftershocks.

Dahil dito, nasira ang ilang kabahayan at gusali kabilang ang ilang ospital at health facilities.


Nagtamo naman ang ilang indibidwal ng minor injuries pero walang naitalang nasawi.

Facebook Comments