Tuguegarao City, Cagayan – Malaki ang naitulong ng Executuve Order Number 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang sinabi ni Police Regional Office No 2 Police Community Relation Chief PSupt Chevalier Iringan sa ginawang panayam ng RMN Cauayan News sa kanya.
Kumapara sa mga nagdaang taon ay di hamak na mababa ang naitalang mga insidente ng mga nadisgrasya ng paputok sa pagsalubong ng 2018.
Sa inisyal na ulat mula sa mga ibat-ibang unit ng PNP sa Cagayan Valley, magmula noong Disyembre 16, 2017 ay mayroon lamang anim na kaso ng naputukan ang kamay na nagtamo lamang ng slight injury, may isang indiscriminate firing at may isang shooting incident.
May mga nakumpiskahan at may naaresto dahil sa pagbebenta ng ilegal na paputok batay sa isinasaad ng Republic Act 7183 sanhi ng di nila pagtalima sa paalala ng PNP.
Ayon pa sa opisyal, mayroon silang itinalagang 72 na common fireworks area at 781 na common selling area sa buong rehiyon batay sa Executive Order ni Pangulong Duterte na pinirmahan noong June 20, 2017
Naging agresibo din ang PNP sa kanilang “Oplan Tambuli” na kung saan ay nag-ikot sila sa kani-kanilang nasasakupang lugar gamit ang public address system upang ipalaganap sa mga mamamayan ang masamang eepkto ng paputok at indiscriminate firing.
Dahil dito ay maayos at mapayaba ang rehiyon sa pagsalubong nito sa pasko at bagong taon at ang pinakamahalaga sa lahat ay bawas ang disgrasya mula sa mga paputok.
Sabi pa ni PSupt Iringan na nabawasan pati ang mga kalat sa kalsada ngayong papasok ang 2018.
Bagamat ganoon ang inisyal na pagtaya sa kampanya ng PNP habang ginagawa ang panayam ay sinabi ng opisyal na mamayang alas singko pa ng hapon, Enero 1, 2018 magkakaraoon ng pinal na report ang PNP Region 2 sa kanilang implimentasyon ng RA 7183 at EO 28.