Cotabato city zero Firecracker ang gunshot related injury sa pagsalubong ng bagong taon

Naging mapayapa sa pangkalahatan ang pagsalubong ng bagong taon sa cot.city kung saan zero firecracker related injury at gunshot related injury ang lungsod…Ayon kay Cot.City mayor Atty.Frances Cynthia Guiani Sayadi batay sa kanyang monitoring sa mga pagamutan ay walang naisugod na tinamaan ng firecrackers at indiscriminate firing sa pagsalubong ng new year.
Ganun din sa report ng apat na mga police station commander ay wala rin silang namonitor na tinamaan ng mga paputok…Sinabi pa ni Mayor Cyn na ito na yung pangalawang beses na taon na zero firecracker at gunsot related injury ang lungsod…Kayat siyay nagpasalamat sa cotabatenyo sa pagsunod sa panawagan nito na total fire cracker ban.
Nag-ikot din si Mayor Cyn sa apat na sulok ng siyudad kasama ang mga kapulisan ni Col.Rolly Octavio noong new years eve para masigurong walang di kanais -nais na mangyari habang abala ang lahat sa pagsalubong ng bagong taon.

Facebook Comments