IMPROVING? | Pagtirik ng MRT ngayong taon, kakaunti lang kumpara sa nakaraang taon

Malaki ang naging improvement sa mga tren at iba pang serbisyo ng MRT 3 ngayong taon.

Sa datus ng Department of Transportation (DOTr) noong 2016 562 na pagtirik ng tren ang naitala, 440 naman noong nakalipas na taon pero ngayong 2018, 56 lamang ang naitalang pagtirik.

Ayon kay Department of Transportation Secretary Arthur Tugade, noong Nobyembre nag-loan ang gobyerno sa Japan para sa rehabilitasyon ng MRT 3.


Ito ay 18 bilyong piso kung saan Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries ang naging maintenance provider.

Ilalaan ang bilyon bilyong pisong halaga para sa pagsasayos ng signaling system, aircon, power sysyem, CCTV, elevator at escalator.

Sinabi ng DOTr na hindi talaga maiiwasan ang mga aberya pero gagawin nila ang lahat para maging maginhawa, ligtas at maayos ang byahe ng ating mga kababayan.

Facebook Comments