Ina ng Estudyante na Sumapi sa NPA, Nanawagan na Itigil ang Panlilinlang sa mga Kabataan

Cauayan City, Isabela- Umaapela sa mga rebeldeng NPA ang isang ina ng mag-aaral na sumapi sa kilusan na itigil na ang panloloko sa mga kabataan.

Base sa salaysay na ibinahagi ni Ginang Venancia Gayagas, residente ng Barangay Bural, Zinundungan Valley, Rizal, Cagayan kasabay sa isinagawang peace rally sa lugar na mula noong Nobyembre ng taong 2020 sumampa sa rebeldeng grupo ang kanyang Grade 11 na anak at mula noon ay hindi na nagparamdam at wala na silang impormasyon patungkol sa anak.

Emosyonal din nananawagan ang Ginang sa NPA na ibalik na ang kanyang labing pitong taong gulang na anak dahil labis na rin itong nag-aalala at hindi na rin nakakatulog ng maayos.


Kaya naman, hinihikayat nito mismo ang anak na huwag matakot bumaba at umalis na sa kilusan upang maipagpatuloy ang pag-aaral at muli nila itong makasama.

Sa mensahe naman ni MGen Laurence E Mina PA, Commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army sinabi niya na hindi tumitigil ang kasundaluhan sa Lambak ng Cagayan at Rehiyong Cordillera na protektahan ang mga kabataan laban sa mga mapanlinlang at mapagsamantalang mga teroristang CPP-NPA.

Facebook Comments