Negosyanteng Chinese, patay matapos tambangan at pagbabarilin sa Tondo Maynila

Tondo, Maynila – Patay ang isang negosyanteng Chinese matapos tambangan ng lalaking nakamotorsiklo sa Tondo, Maynila.

Sa kuha ng CCTV, nakasalubong ng isang SUV ang isang motorsiklo kung saan nakasuot ng sumbrero at naka-maskara ang rider.

Gumarahe ang SUV kung saan bumaba ang biktimang si Willie Liu o alyas boss Michael at kasosyo niyang si Nico Go.


Dito bumalik ang rider saka pinagbabaril si Liu sa harap ng maraming tao.

Nakabulagta na ang biktima pero tinambangan siya ulit.

Ayon kay Barangay 241, Zone 42, Sampaloc Chairman Michael Nuguid – bumaba pa ang rider at nilapitan naman si Go kung saan dalawang beses itong pinaputukan pero swerteng hindi tinamaan.

Aniya, wala sa kanilang drugs watchlist ang mga biktima.

Patuloy na pinaghahanap ang suspek at inaalam ang motibo sa pamamaril.

Facebook Comments