Manila, Philippines – Inaasahan bago matapos ang taon ay malalagdaan na ng Pilipinas at China ang kasunduan para sa joint exploration sa West Philippine Sea.
Bagaman wala pang time frame sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang joint exploration deal ay pwedeng mapirmahan bago o sa pagbisita sa Pilipinas ni Chinese President Xi Jinping.
Aniya, nakatakda ang pagdating sa bansa ni Xi bago matapos ang 2018 o matapos ang pagdalo nito sa Asia Pacific Economic Cooperation o APEC sa Nobyembre.
Giit ni Roque, ang joint exploration ay constitutional at alinsunod sa interes ng bansa.
Facebook Comments