Manila, Philippines – Nakatakdang umalis ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw patungong New Delhi, India.
Ito ang unang foreign trip ni Pangulong Duterte ngayong 2018 para dumalo sa ASEAN-India Commemorative Summit.
Inaasahang mamayang alas-dose ng tanghali ang departure ng pangulo sa NAIA Terminal 2.
Magtatagal ang summit hanggang Enero 26.
Inaasahang makakatulong ang pagdalo ng pangulo sa nasabing pagpupulong upang mapalakas ang relasyon ng dalawang bansa.
Facebook Comments