Inihayag ni Maj. Gen. Andrew Costelo, Acting Commander ng Northern Luzon Command (NoLCom), base sa ulat ng JTF Tala at kasundaluhan ay natunton ang kuta ng mga miyembro ng rebeldeng grupo habang nagsasagawa ng development and security efforts sa silangang bahagi ng Isabela.
Tinatayang nasa 50 katao ang maaaring manatili sa kuta matapos itong matuklasan ng kasundaluhan kung kaya’t karagdagang pwersa mula sa 95th Infantry Battalion ang ipinakalat upang tugisin ang mga tumatakas na miyembro ng mga teroristang Komunista sa lugar.
Samantala, tiniyak ni Maj. Gen. Costelo sa publiko na ang NoLCom ay mananatiling gagampanan ang mga tungkulin nito upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan at pagyamanin ang patuloy na pag-unlad sa lugar.
Pinuri naman ni MGen. Laurence Mina, Commander ng JTF Tala ang dedikasyon at sakripisyo ng kasundaluhan upang mapagtagumpayan ang kanilang tungkulin na wakasan ang insurhensiya sa kanilang nasasakupan.