Cauayan City, Isabela- Nakubkob ng mga tropa ng 91st Infantry ‘Sinagtala’ Battalion, Philippine Army ang umano’y tirahan ng mga komunistang grupo sa pagitan ng mga Barangay Bazal at Diaat, Maria Aurora nitong huwebes, March 18, 2021.
Katuwang ng kasundaluhan ang mga tauhan ng 1st Provincial Mobile Force Company (1PMFC) ng Aurora Police Provincial Office (APPO) na nagsagawa ng operasyon sa lugar.
Ayon kay LtCol. Reandrew Rubio,Commander ng 91IB, ang pagkakadiskubre sa abandonadong tirahin ng mga rebelde ay dahil sa pagbibigay impormasyon ng komunidad.
Pinaniniwalaang inabandona ito ng grupong KLG-SM (Komiteng Larangang Gerilya – Sierra Madre) kung saan kayang omokupa ang higit kumulang 10 miyembro nito.
Ilan sa mga tumambad na kagamitan ay gaya ng gamit pang-kusina at mga personal na gamit ng mga rebelde at sinasabing posibleng mahina na ang grupo kaya’t minabuti nalang abandonahin ang lugar, ayon pa kay LTC Rubio.
Samantala, ayon naman kay BGEN. Andrew Costelo, Commander nv 703rd Infantry Brigade, kinikilala nito ang suportang ibinibigay ng komunidad sa pamahalaan upang iwaksi ang posibleng implueensya ng mga komunistang grupo.
Sinabi naman ni MGEN. Alfredo Rosario Jr., Commader ng 7th Infantry Division, na ang ginawang aksyon ng mga kalaban gaya ng pag-abandona ng kanilang tirahan bago pa ang kanilang anibersaryo sa March 29, kung saan indikasyon umano ito na mahina na ang grupo na makipaglaban pa sa tropa ng pamahalaan.
Photos: 7th Infantry Division, Philippine Army