Amerika – Inamin mismo ni Facebook Founder Mark Zuckerberg na kasalanan niya ang nangyaring data breach ng Cambridge analytica sa higit 80 milyong users.
Ayon kay Zuckerberg, aakuin niya ang responsibilidad sa nangyaring insidente.
Malinaw aniya na nagkulang sila sa pagsusulong data privacy at pagpigil sa fake news, hate speech maging ang foreign interference sa mga eleksyon.
Humihingi ng tawad si Zuckerberg sa malaking kamaliang nagawa ng kanyang social networking company.
Nakatakdang humarap si Zuckerberg sa joint hearing ng senate judiciary and commerce committees at house energy and commerce committees.
Facebook Comments