INAKO | Pagkakadawit kay Bong Go sa navy frigate deal, inako ni PRRD

Manila, Philippines – Inako ni Pangulong Rodrigo Duterte ang responsibilidad sa pagkakadawit ni dating Special Assistant to the President Bong Go sa kontrobersyal na multibillion peso navy frigate deal.

Ayon sa Pangulo – nagreklamo sa kanya ang South Korean Company na Hyundai Heavy Industries (HHI) na nanalo sa kontrata.

Inutos naman niya kay Go na ibigay ito sa kanyang mga abogado ng Malacañang na kalaunan ay inendorso kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.


Matatandaang naging sentro ng pagdinig ng Senado ang isyu na ito matapos akusahan si Go ng umano ay pakikialam sa transaksyon ng DND na mariin namang itinanggi ni Go.

Facebook Comments