Manila, Philippines – Binaklas na ang Comfort Women Statue na dating nakatayo sa Roxas Boulevard sa Maynila.
Sabi ni Atty. Ericson Alcovendaz ng Manila City Administrator, tinanggal ang estatwa para sa gagawing flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Maynila.
Bukod sa Comfort Women Statue, inalis na rin ang estatwa ng unang hakbang at nakatakda na ring alisin ang estatwa ng marine officer.
Dagdag pa ni Alcovendaz, dalawang linggo bago nito ay pinatawag ng DPWH ang tulay foundation at city engineer ng Maynila para ipaalam ang proyekto.
Ibinalik naman sa sculptor estatwa ng comfort women.
Matatandaang lumikha ng kontrobersiya ang pagtatayo ng estatwa at kinuwestyon din ang pagpapatayo nito gayundin ang napiling lokasyon ng estatwa na malapit lamang sa Japanese Embassy.