IPINATITIGIL NA | EcoWaste Coalition, nanawagang huwag gumamit ng tarpaulin sa pangangampanya sa Barangay at SK Elections

Manila, Philippines – Nanawagan ang grupong EcoWaste Coalition na huwag gumamit ng tarpaulin sa pangangampanya para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Ayon kay EcoWaste Chemical Safety campaigner Thony Dizon, mayroon itong mga nakalalasong kemikal na maaring makasira sa kalikasan at makasama sa kalusugan ng tao.

Aniya, makakaambag lamang ito sa toxicity sa mundo.


Mungkahi ni Dizon, mas mainam na magbahay-bahay na lamang ang mga kakandidato sa halalan.

Naniniwala ang ecoWaste na mas maaalala ng botante ang isang kandidato kung personal nitong bibisitahin ang bawat mga bahay na alamin ang pangangailangan ng mga residente.

Facebook Comments