INALMAHAN | Kongresista sa Mindanao, tutol sa pagpapalawig ng batas militar

Tinututulan ni Anak Mindanao Representative Amihilda Sangcopan ang muling pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Ayon kay Sangcopan, mahigit isang taon na ang lumipas mula nang mapasailalim sa batas militar ang Mindanao pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam kung ano nangyari sa implementasyon nito.

Pinasisilip din ng mambabatas kung ilang ulit nang nagsumite ng report ang mga security officials sa Kongreso kaugnay sa pagpapatupad nito.


Malaking kwestyon din sa kongresista kung ang dahilan kung bakit idineklara ang batas militar sa Mindanao ay natutugunan na ng militar.

Nakalulungkot din aniya na haharap sa eleksyon ang mga taga Mindanao sa 2019 na nasa ilalim ng batas militar.

Bukod dito, naipasa na rin anya ang Bangsamoro Organic Law (BOL) na sinasabing pagmumulan ng gulo kapag hindi naipasa kaya wala na anya dahilan para sa muling extension ng martial law.

Facebook Comments