ITINALAGA | 2 mamamahayag, itinalaga ng Pangulo sa gobyerno

Manila, Philippines – Pormal nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si PTV 4 News Operations Head Raquel Tobias bilang Undersecretary sa Presidential Communications Operations Office o PCOO.

Kasabay ng pagiging opisyal ng PTV4 ay miyembro din ito ng MalacaƱang Press Corps na nagcocover sa mga events ni Pangulong Rodrigo Duterte at mga kaganapan sa MalacaƱang.

Sa inilabas na dokumento ng MalacaƱang ngayong araw ay, October 23 nilagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment paper ni Tobias.


Itinalaga din naman ni Pangulong Duterte si Peace Adviser Secretary Jesus Dureza bilang Special Envoy of the President to the European Union na kapalit naman ng yumanong dating Senador Edgardo Angara.

Itinalaga din bilang Special Envoy for Public Diplomacy of the President to the Peoples Republic of China ang mamamayahag na si Ramon Tulfo Jr.

Facebook Comments