INAMBUSH | Barangay administrator at misis nito, patay sa Antipolo City

Antipolo City – Patay sa ambush ang isang Barangay administrator at misis nito sa circumferential road sa Antipolo City kahapon.

Kinilala ang mag-asawa na sina Maribel at Domingo Mamaril Jr.

Blanko naman ang mga kaanak ng mga biktima tungkol sa motibo ng krimen.


Pero anila, pinuno rin ng home owners’ association sa kanilang subdivision si Domingo na planong magsampa ng kaso laban sa mga residenteng hindi nagbabayad ng monthly dues.

Iniimbestigahan na ng Antipolo-PNP kung may kinalaman dito ang krimen habang pinagpapaliwanag din nila ang rescue team na inabot ng isang oras bago nakaresponde sa insidente.

Facebook Comments