Manila, Philippines – Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumailalim ito sa colonoscopy at endoscopy.
Ang endoscopy ay isang non-surgical procedure para suriin ang digestive tract ng pasyente habang ang colonoscopy ay eksaminasyon para ma-detect ang pagbabago o abnormalidad sa large intestine at rectum.
Ayon sa Pangulo – maging ang kanyang anak na si Baste ay nagkaroon din dati ng problema sa bituka.
Dahil dito, tiniyak ni Pangulong Duterte na pagbubutihin ang Health Service sa bansa.
Facebook Comments