HINDI TATAKBO | Kris Aquino, walang planong maging Senador sa 2019

Manila, Philippines – Iginiit ni “Queen of All Media” Kris Aquino na wala siyang planong tumakbo bilang senador sa paparating na 2019 midterm elections.

Ito ang pahayag ng aktres sa kanyang instagram account matapos mapabilang sa 19th hanggang 23rd bracket ng Pulse Asia Survey para sa 2019 senatorial race.

Ayon kay Kris – isa lamang siyang magulang na nagpo-provide para sa financial at emotional well-being ng kanyang dalawang anak.


Ani pa ng aktres, magiging unfair din ito para sa kanyang pinsan, na re-electionist na si Sen. Bam Aquino IV.

Facebook Comments