Manila, Philippines – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Agriculture Secretary Manny Piñol na gawin ang mga dapat gawin upang matulungan ang mga magsasaka sa bansa.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Secretary at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, ito ang iniutos ni Pangulong Duterte kay Pinol sa naganap na Cabinet meeting kagabi sa Malacañang.
Sinabi pa ni Panelo na ang utos ng Pangulo ay dapat tiyakin ng Department of Agriculture na magiging komportable ang buhay ng mga magsasaka sa bansa.
Ito naman ay sa harap ng mga pagkontra ng ilang grupo ng magsasaka sa pagsasabatas ng Rice tariffication bill na ayon sa mga ito ay papatay sa mga local rice farmers dahil maaari nang makapag import ng mas murang bigas ang mga negosyante sa bansa.