Sasampahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng kaso ang mga incumbent local officials na nangangampanya ng mga kandidato para sa midterm elections.
Ayon sa DILG – nasa 46 na barangay captain ang lumalahok sa partisan activities na pinapaboran ang ilang local election candidates.
Maituturing na paglabag ito sa Omnibus Election Code at sa joint circular na inilabas ng Commission on Elections o Comelec at ng Civil Service Commission (CSC).
Maaaring maghain sila ng pormal na reklamo sa Comelec sa bukas (April 12) at may mga sapat silang mga litrato at video na magsisilbing ebidensya laban sa mga ito.
Ang mga partisan local official ay maaaring ma-dismiss mula sa public service at mahaharap ng hanggang anim na taong pagkakakulong kapag napatunayang guilty.