Independent Opposition sa Kamara, nagsalita na rin sa agawan sa speakership

Binasag na ng independent opposition sa Kamara ang katahimikan sa isyu ng term-sharing agreement sa Speakership.

Sinabi ni Albay Representative Edcel Lagman na bilang independent opposition ay sinubukan niyang hindi manghimasok sa palabas ng majority coalition sa tunggalian sa pagka-Speaker.

Pero hindi na umano niya kayang manahimik bilang myembro ng Mababang Kapulungan dahil nakakasira na ang leadership issue sa buong institusyon at sa interes ng publiko.


Tahasang sinabi ni Lagman na ang suspension sa sesyon ng Kamara ay lumalabag sa Section 16 (5) ng Article 6 ng Konstitusyon at ang Concurrent Resolution No. 11 na sumasalungat sa kalendaryo ng Kongreso

Bukod dito, election budget din ang pondo sa susunod na taon kaya naman nagpupumilit sa Speakership si Cayetano at mga kaalyado nito.

Iniuugnay din ni Lagman sa ambisyon ni Cayetano na tumakbong Pangulo sa 2022 ang paglabag nito sa term-sharing agreement.

Sa kabila din aniya ng kasunduan na walang pwesto ang papalitan maliban sa posisyon ng Speaker at Accounts Committee, mismong si Cayetano ang lumabag matapos tanggalin sa house leadership ang mga kaalyado ng kalaban na si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Facebook Comments