Indian variant sa bansa, nakakabahala pero ang publiko hindi dapat magpanic at hindi rin dapat maging kumpyansa

Ikinabahala ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go ang presensya sa bansa ng Indian variant ng COVID-19 na ayon sa World Health Organization (WHO) ay “variant of concern” dahil posibleng mas nakakahawa at mas malubha ang epekto.

Gayunpaman, pinayuhan ni Go ang publiko na huwag magpanic dahil ginagawa ng gobyerno ang lahat upang matugunan ito.

“Nakakabahala ang balitang kinumpirma ng DOH ngayong araw na nakapasok na sa Pilipinas ang Indian variant ng COVID-19. Kamakailan, sinabi rin ng WHO na “variant of concern” ito dahil posibleng mas nakakahawa at mas malubha ang epekto nito sa tao,” sabi ni Go.


Pero diin ni Go, huwag ding magkumpyansa, at sa halip ay seryosong sundin ang health protocols, at gawin ang tamang pag-iingat.

Giit ni Go, dapat tayong makikiisa sa mga ipinapatupad na hakbang para mapigilan ang pagkalat ng virus dahil kung malalagay sa peligro ang ating sarili at komunidad, ay maaaring maghigpit lalo ang quarantine restrictions na magreresulta sa pagsara na naman ng kabuhayan at mas mahabang kalbaryo ng lahat.

“Huwag po tayong magpanic dahil ginagawa ng gobyerno ang lahat upang matugunan ito. Gayunpaman, huwag din tayong magkumpyansa. While the government is on top of the situation, the cooperation of everyone is crucial in order for us to overcome these challenges,” ani Go.

Hinikayat din ni Go ang lahat na magtiwala sa National Vaccine Program at magpabakuna na kaagad ayon sa prioritization order na ipinapatupad upang makamit natin ang herd immunity sa lalong madaling panahon.

Binigyang diin ni go ang panawagan ng mga eksperto na kailangang mas lalong higpitan ang pagpapatupad ng health protocols, border controls, disease surveillance measures, at mandatory quarantine lalo na sa mga pumapasok sa bansa para maiwasan ang pagkalat ng mga bagong variants ng COVID-19.

“Inuulit ko ang panawagan ng mga eksperto na kailangang mas lalong higpitan ang pagpapatupad ng mga itinakdang health protocols, border controls, disease surveillance measures, at mandatory quarantine lalo na sa mga pumapasok sa bansa para maiwasan ang pagkalat ng mga bagong variants ng COVID-19,” panawagan ng senador.

Kaugnay nito ay hinihiling ni Go ang kooperasyon ng lahat upang malampasan ang krisis na ito at ang malaskit sa kapwa nating Pilipino na karamihan ay hirap na hirap na sa sitwasyon ngayon.

Facebook Comments