Indiano, arestado matapos halikan nang 2 beses sa labi ang ‘di kakilalang paslit sa pampublikong lugar

Kulungan ang bagsak ng isang 28-anyos na Indian national matapos umanong puwersahang halikan sa labi ang isang bata sa pampublikong aquarium sa Sydney, Australia, noong Enero 19.

Hinawakan muna ni Nikhil Bhatia ang likod ng ulo ng bata, saka lumipat sa harapan at lumebel sa tangkad nito, ayon sa pulisya sa ulat ng The Sydney Morning Herald.

Hinila ng suspek ang walang kamalay-malay na biktima sa braso saka binigyan ng dalawang halik sa labi.


Ayon sa ulat, isang linggo pa lamang namamalagi sa Australia ang suspek na hindi kakilala ng bata at ng kahit sino sa pamilya.

Nang maaktuhan umano ng tatay ng bata ang nangyari, paulit-ulit na humingi ng paumanhin si Bhatia.

“Once the father intervenes, almost instantly, the accused reacts by saying ‘I’m sorry, I’m sorry, I’m sorry’. I’d ask you to accept he knew what he was doing was wrong,” giit ni Sergeant McKinnon, isang police prosecutor.

Nangatwiran din umano si Bhatia sa awtoridad na nangyayari ang kagayang insidente dahil sa “cultural difference,” na siya ring idinepensa ng kanyang abogado.

Iginiit ni Atty. Sharon Ramsden na kailangang patunayang nagkaroon ng sexual arousal o kasiyahan sa oras na ito upang masabing sekswal ang insidente.

Maaaring makulong hanggang 16 taon si Bhatia na nakatakdang humarap muli sa korte sa Pebrero.

Facebook Comments