INDIBIDWAL, PATAY MATAPOS MASAGASAAN NG PICK-UP

Cauayan City – Patay ang isang indibidwal matapos mabangga ng isang pick-up truck sa Barangay Dagupan, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang biktima na si si Samuel Quito, 52-anyos, residente ng Sinamar Norte, San Mateo, Isabela habang ang suspek naman ay kinilalang si Aldrin Galay, 54-anyos.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, pareho nilang binabagtas ang direksyon patungo sa bayan ng San Mateo at napag alamang wala umanong ilaw ang bisikleta ng biktima kaya hindi ito agad napansin ng pick-up, dahilan upang masalpok ito.


Wala ng vital signs ang biktima nang isugod sa pagamutan dahilan upang ideklarang dead on arrival.

Patuloy ang imbestigasyon ng San Mateo Police Station upang mabigyang linaw ang pangyayari.

Pinapaalalahanan din ang mga motorista at siklista na magsuot ng reflector at gumamit ng tamang ilaw sa kalsada.

Facebook Comments