GROUNDBREAKING NG MALASAKIT SUPER HEALTH CENTER, ISINAGAWA SA CAUAYAN

CAUAYAN CITY – Pinangunahan ni Sen. Bong Go ang groundbreaking ng Malasakit Super Health Center sa Brgy. Dabburab, Cauayan City, Isabela, bilang bahagi ng kanyang layunin na maghatid ng maayos at libreng serbisyong medikal sa mga Pilipino.

Sa kanyang pagbisita, mainit siyang tinanggap ni City Mayor Jaycee Dy, kasama ang mga opisyal ng Brgy. Dabburab at mga kalapit na barangay na makikinabang sa proyekto.

Ang center ay magbibigay ng mga libreng serbisyo kabilang na ang panganganak, check-up, mga serbisyong dental, laboratory diagnosis, gamot, at iba pa.

Nagpasalamat naman si City Mayor Jaycee Dy kay Sen. Bong Go sa tulong at pagsusumikap na itayo ang Malasakit Super Health Center, na tiyak magdudulot ng malaking benepisyo sa mga residente ng Cauayan.

Facebook Comments