Nagsagawa ng Indignation Rally ang iba’t ibang grupo sa Kalinga upang tuligsain ang lahat ng uri ng karahasan, terorismo at kalupitan na ginawa ng CPP/NPA/NDF sa Bulanao, Tabuk City, Kalinga kasabay ng 54th founding anniversary ng Communist Party of the Philippines (CPP) ngayong araw, Disyembre 26, 2022.
Nakiisa sa isinagawang rally ay ang mga miyembro ng Youth sector, Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), Religious Sector, Barangay Officials at iba pang Advocacy Support Groups of Kalinga.
Ito ay alinsunod sa whole-of-a- nation approach upang wakasan ang insurhensiya dulot ng mga armadong teroristang grupo sa lugar.
Ang aktibidad ay nagpapakita ng pagkondena ng kabataan at komunidad sa mga aktibidad at agenda ng mga teroristang grupo at bilang suporta sa gobyerno laban sa terorismo.
Layon din nitong pagkaisahin ang pamayanan tungo sa kapayapaan at kaunlaran.
Samantala, pagkatapos naman ng indignation rally ay nag-alay ang mga kalahok ng isang panalangin para sa mga biktima ng kalupitan ng CTG.
Facebook Comments