Indonesia, nagbalik din ng imported na basura

Ipinabalik ng Indonesia ang Canadian paper waste na inangkat mula Estados Unidos.

Ang Indonesia ang bagong Southeast Asian country na nagpabalik ng basura sa gitna ng imports mula sa western countries matapos i-ban ng China ang pag-aangkat ng basura.

Ayon kay Environment Ministry official Sayid Muhadhar – nadiskubre kasing kontaminado ito ng materyal na gawa sa plastic, rubber at diaper.


Aniya, limang container o 100 tonelada ng basura ang kanilang ipinabalik sa Seattle.

Iginiit ng opisyal na hindi sila umaangkat ng basura.

Aminado si Muhadhar na dumarami ang garbage imports dahil sa pag-shut down ng China ng kanilang recycling facilities, kaya ang ibang bansa ay naghahanap ng iba pang lugar.

Nitong nakaraang buwan, ipinabalik ng Pilipinas ang 69 na container ng basura sa Canada.

 

Nasa 3,000 toneladang basura rin ang ibinalik ng Malaysia sa mga basurang pinagmulan nito.

Facebook Comments