Inerereklamong Pre-shaded at Basang Balota noong Nakaraang Halalan, Pinabulaanan!

Cauayan City, Isabela – Pinabulaanan ng abogado ni Vice President Leni Robredo na si Atty. Beng Sardillo na hindi umano totoo na pangalan ni VP Robredo ang mga nakitang pre-shaded na balota na umano’y inirereklamo ni dating senador “Bongbong” Marcos na may apat na balotang pre-shaded na pangalan ni Robredo.

Sa programa ng DWKD 98.5 RMN Cauayan sa Straight to the Point, Ipinaliwanag ni Atty. Sardillo na ang anim na balotang pre-shaded ay mga balotang nahanap at maaari umanong unused o rejected ballots.

Inihayag din ng abogado ni VP Robredo na wala umanong nagreklamo o nagkaproblema sa presinto noong nakaraang eleksiyon at makikita naman umano sa minutes of voting na walang naitalang problema.


Hindi rin umano basehan ang anim na box ng basang balota na nasa warehouse na ng Presidential Electoral Tribunal kung saan ay inumpisahan na ang recount, para sabihing dinaya si Marcos.

Paliwanag pa ni Atty. Sardillo na mayroon naman umanong report ang treasurer na positibong nabasa ang mga balota dahil sa bagyo.

Facebook Comments