Aniya, ang Sambayanan partylist na kanyang binuo, ay hindi kontrolado ng gobyerno at hindi rin pinopondohan ng gobyerno bagkus itinuturing nila ang gobyerno bilang partner sa pagsugpo ng nasabing makakaliwang grupo.
Layunin ng kaniyang samahan na pagbigkisin at mabuo ang pagtitiwala ng mga dating rebelde na nagbalik loob upang maging kapakipakinabang para sa kapayapaan ng bansa at matigil na ang marahas na pakikibaka na ginagawa ng NPA.
Kilala si Ka Eric sa kanyang adbokasiya na isiwalat ang tungkol sa ginagawang infiltration ng nasabing makakaliwang grupo sa iba’t ibang sektor ng lipunan gaya ng sektor ng mga kabataan, edukasyon, relihiyon, at maging ang mismong mga institusyon ng pamahalaan.
Tahasan niyang binaggit ang ilang partylist na tumatayo umanong legal front ng CPP-NPA-NDF gaya ng Kabataan, Karapatan, Anak Bayan, Bayan Muna, Act-Teachers at Gabriela na nagsasagawa umano ng tinatawag na underground movement kung saan patago at palihim na nagrerecruit mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
Muli namang hinimok ni Celiz ang mga mamamayan na huwag nawa silang maloko at madaya pa ng ginagawang pagrerecruit ng makakaliwang grupo upang tuluyan ng matigil ang insurhensiya sa bansa.