ZERO COVID-19 CASE, NAITALA NG ISABELA NGAYONG ARAW

Cauayan City, Isabela- Walang naitala na panibagong kaso ng COVID-19 ang Lalawigan ng Isabela ngayong araw, Abril 8, 2022.

Sa pinakahuling datos ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw, Abril 8, 2022, hindi nadagdagan ang siyam (9) na dating bilang ng aktibong kaso sa probinsya.

Wala din naitala na kaso ng namatay sa COVID-19 kaya nananatili sa 2,256 ang total covid-19 deaths sa Isabela.

Nakapagtala naman ang probinsya ng isang bagong gumaling na nagdadala ngayong sa total recoveries na 66,757.

Sa ngayon, nasa dalawamput walong bayan na sa Isabela ang COVID-19 free habang siyam (9) pa ang may aktibong kaso.

Sa kabuuan, nakapagtala na ang Isabela ng 61,021 total cumulative cases ng COVID-19.

Facebook Comments