Inflation forecast para sa 2022, itinaas ng BSP

Inaasahang itataas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang inflation forecast nito ngayong 2022.

Sa pagtataya ng Development Budget Coordination Committee (DBCC), inaasahan ang pagtaas ng inflation sa 3.7% hanggang 4.7% kumpara sa dating 2% hanggang 4%.

Dagdag pa ng DBCC na sakop ng inflation forecast ay ang pagtaas ng mga presyo ng pagkain at enerhiya dahil sa patuloy tensyon ng Russia at Ukraine.


Matatandaan na noon pa man ay nanatili sa 2% hanggang 4% ang inflation forecast para sa 2023, at inilapat din ito sa 2024 at 2025.

Samantala, inaasahan naman ngayon ng economic team na ang benchmark na presyo ng Dubai crude oil ay nasa $90 hanggang $110 per barrel sa 2022.

Facebook Comments