Mga empleyado ng COMELEC, nagpahayag ng suporta sa kumpirmasyon ng bagong COMELEC chair

102

Nagpahayag ng suporta ang Commission on Elections (COMELEC) Employees Union para sa kumpirmasyon ng appointment ni COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan.

Sa manifest of support ng COMELEC Employees Union, inihayag ng mga kawani na bagama’t kakaupo pa lamang sa poll body ni Pangarungan, nakita nila ang epektibong pamumuno nito.

Tinukoy rin ng mga empleyado ang idinaos na maayos at patas na halalan sa harap ng banta ng COVID-19.


Umaasa rin ang COMELEC Employees Union na maipagpatuloy ni Pangarungan ang kanyang nasimulan, kasama na ang pagbibigay ng patas na pagtrato sa lahat ng mga empleyado ng poll body.

Facebook Comments