Bumagal pa ang inflation rate o ang pagtaas ng presyo ng bilihin sa buwan ng Mayo.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala sila ng inflation rate na 2.1 percent nitong Mayo, mas mababa kumpara sa 2.2 porsyento nitong Abril.
Mas mababa rin aniya ito kung ikukumpara sa 3.2 percent na naitala sa kaparehong panahon noong 2019.
Ang mabagal na galaw ng inflation ay bunga ng mababang paggugol sa gasolina, transport expenses at gastusin sa pagkain tulad ng bigas at asukal.
Facebook Comments