Posibleng pumalo sa 8.6 percent ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa ngayong Disyembre.
Mas mataas ito sa 8.0 percent na naitalang inflation rate nitong Nobyembre.
Batay sa projection ng Bangko Sentral ng Pilipinas, maglalaro sa pagitan ng 7.8 percent hanggang 8.6 percent ang inflation rate ngayong buwan.
Bunsod ito ng pagtaas ng singil sa kuryente, presyo ng agricultural commodities, karne, isda at mas mataas na presyo ng LPG.
Maaari naman itong hatakin pababa ng serye ng oil price rollback at bahagyang paglakas ng piso kontra dolyar.
Samantala, ayon kay BSP Governor Felipe Medalla, posibleng ito na ang peak ng inflation rate bago ito magsimulang bumaba sa Enero ng susunod na taon.
Facebook Comments