Information awareness, program paiigtingin sa hanay ng transport group kaugnay sa bagong batas trapiko

173

Bicol, Philippines – Inumpisahan na ngayon ng pamunuan ng Land Transportation Office Bicol kasama ang hanay ng Philippine National Police sa mas pinaigting na information awareness program.

Inumpisahan ito ng kanilang information disseminaiton o pagpapakalat ng mga impormasyon sa mga radyo at telebisyon sa rehiyon.

Sa kanilang awareness program, hinikayat ang mga drayber na iwasan na muna ang paggamit ng cellphone habang nagmamaneho kaugnay sa ipapatupad na anti-distracted law.


Ito ay para maibsan ang anumang multa o ang pagkakasuspinde ng kanilang lisensiya.

Facebook Comments