Philippine Army examination, ikakasa sa Hulyo para sa mga gustong mag-sundalo

518

Bicol, Philippines – Ipapatupad ngayong Hulyo ng hanay ng Philippine Army General Headquarters ang examination para sa mga gustong maging sundalo sa mga lugar sa Bicol region.

Mauuna ang mga nasa Camarines Sur at Camarines Norte na gaganapin sa July 1.

Habang inaanyayahan din ang mga taga-Albay sa July 2 at July 3 para sa Catanduanes.


Kasunod nito ang sa July 4 para sa lalawigan ng Sorsogon at July 5 sa lalawigan ng Masbate.

Ayon sa Philippine Army sa bicol region, ito na ang pagkakataon para sa mga bagong graduate na pumasok sa hanay ng kasundaluhan.

Facebook Comments