INFORMATION DESSIMINATION DRIVE, MAIGTING NA ISINASAGAWA NGPNP SANTIAGO CITY

Cauayan City, Isabela- Patuloy ang maigting na pagsasagawa ng information dessimination drive ng kapulisan ng Santiago City kasabay na rin ng pagdiriwang ng buwan ng kababaihan.

Ngayong araw ay muling nagtulong-tulong ang kapulisan ng presinto uno at dos ng Santiago Police Station at nagtungo sa iba’t-ibang barangay para mamigay ng mga IEC materials kaugnay pa rin sa kanilang anti criminality campaign at iba pang mga adobokasiya.

Binisita ng grupo ng kapulisan ang mga residente sa mga brgy.

tulad ng Mabini, Batal at Nagassican at inabutan ang mga ito ng flyers na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa Republic Act 8353 o ang Anti rape Law, RA 9262 o VAWC, RA 11313 o Safe Spaces Act, at RA 9208 o anti trafficking.

Ipinaliwanag din ng kapulisan sa mga residente ang kanilang anti-illegal drugs campaign kung ano ang magiging epekto nito sa katawan ng isang tao at kung paano makaiwas sa ipinagbabawal na gamot.

Facebook Comments