SECURITY GUARD, HULI SA PAGPUPUSLIT UMANO NG GINTO SA ISANG MINAHAN SA NUEVA VIZCAYA

58
Cauayan City, Isabela- Nasakote rin ng mga awtoridad ang isang security guard matapos mahuli na ipinuslit umano nito ang ginto mula sa isang malaking minahan na Oceana Gold Philippines (OGPI) sa Kasibu, Nueva Vizcaya kamakalawa.

Ayon sa PNP, kinilala ang suspek na si Jefferson Galuzo, 27-anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Poblacion, Mankayan, Benguet.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nabisto ng isang empleyado ng minahan ang pagpupuslit umano ng ginto ng suspek pasado alas-4:22 ng hapon.

Nakumpiska sa jacket ng suspek ang mineral ore o uri ng ginto na tinatayang nagkakahalaga ng P130,000.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng PNP Kasibu ang suspek na mahaharap sa kaukulang kaso.

Facebook Comments