Tiniyak ni Senator Bong Go na tuloy ang commitment ng Duterte administration na tapusin ang mga infrasructure projects ng pamahalaan sa kabila ng pagkakaroon ng pandemya ng COVID-19.
Sa kaniyang pagbisita kamakailan sa La Union, binanggit ng senador na magtutuloy-tuloy ang mga nasimulan nang infrastructure projects na pakikinabangan ng mga residente sa Region 1.
Binanggit ni Go ang mga government projects sa La Union na makatutulong ng malakin sa mga mamamayan doon kabilang ang Bauang-San Fernando Bypass Road na sa sandaling makumpleto ay makapagpapaiksi sa biyahe mula Bauang via Manila North sa isang oras at kalahating minuto na lamang.
“Marami pong proyektong nakalaan dito. Isa po rito ‘yung Bauang-San Fernando Bypass Road. Matatapos na ito in 2022. So, to Bauang via Manila North Road, thirty minutes na lang po (ang biyahe) from one hour,” ayon kay Go.
Tuloy din ang iba pang proyekto sa lalawigan kabilang ang rehabilitasyon ng the Provincial Capitol Roof, konstruksyon ng Provincial Capitol Rain Collectors, konstruksyon at improvement ng Provincial Capitol Executive Building Phase 2.
Ibinahagi din ng senador ang laniyang legislative measures na layong makatulong sa mga ordinaryong mamamayan.
Nagtungo sa San Fernando City ang senador para saksihan ang pagbubukas ng Malasakit Center sa Ilocos Training and Regional Medical Center in San Fernando City, La Union.
“Gusto ko po makapag-iwan ng konting ngiti sa panahon ng pagdadalamhati ng ating mga kababayan. Nakakawala ng pagod kapag nakikita mo ang iyong mga kababayan na merong ngiti sa kanilang mga mukha,” ayon kay Go.
Binanggit ni Go ang isinulat niyang panukala na ngayon ay isa nang ganap na batas na makapagpapataas sa bed capacity at kakayahan ng mga local hospitals.
Maging ang Republic Act 11466 na lahong itaas ang sweldo ng mga government employees, ang RA 11462 na nagpapaliban sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections, at ang RA 11463 na layong magtayo ng Malasakit Centers sa lahat ng Department of Health-run hospitals at sa Philippine General Hospital.
Nakabinbin din ang panukalang batas batas ni Go na pagtatayo ng Department of Overseas Filipinos na aniya ay napakalaking tulong para sa mga OFW na apektado ng COVID-19.
“Ngayon na napilitan silang umuwi dahil sa krisis, dapat lang bigyan ng sapat na atensyon ang kanilang mga pangangailangan para matulungan ang ating mga bagong bayani na makabangon muli,” ayon pa sa senador.
Ani Go prayoridad din niya ang panukala para magkaroon ng Department of Disaster Resilience na malaking tulong para maging handa sa kalamidad.