Inihaing impeachment laban kay PBBM, minaliit ng Malacañang

Iginiit ng Malacañang na walang pinanghuhugutan ang planong paghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil sa pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, bagama’t karapatan ng sinuman na maghain ng reklamo, naniniwala ang Palasyo na para sa pansariling motibo lamang ang reklamo.

Walang aniyang matibay na batayan ang mga alegasyon dahil ang naging hakbang ng pangulo ay nakabatay sa umiiral na batas lalo’t ang akusado ay nahaharap sa kasong crimes against humanity.

Ang impeachment complaint laban sa pangulo ay inihain ng mag-asawang Ronald at Marie Cardema na inendorso naman ng Duterte Youth Party-list sa Kamara, dahil umano sa paglabag Konstitusyon at betrayal of public trust.

Pinayuhan naman ni Castro ang Duterte Youth Party-list na sa halip na impeachment, mas maganda tutukan nila ang paggawa ng batas na makakatulong sa mga Pilipino.

Facebook Comments