Inilabas na bagong matrix ng malakanyang, pinapabawi

Kinalampag ng Gabriela Partylist ang palasyo ng Malakanyang na bawiin ang panibagong ‘ouster plot diagram’ na inilabas kamakailan na nagdidiin sa ilang mga grupo para pabagsakin si Pangulong Duterte.

 

Ang pagalma ng grupo ay kasunod ng pagkakadawit sa mga kilalang kababaihan sa industriya tulad nila weightlifter Hidilyn Diaz, Gretchen Ho at Inday Espina-Varona.

 

Dismayado ang grupo dahil ang mga kababaihang idinadawit ay nagdala ng parangal at pagkilala sa bansa.


 

Anila, ang matrix ng Malakanyang ay isang cheap pero delikadong likhang isip dahil inilalagay nito sa peligro ang buhay at kaligtasan ng mga idinadawit sa Ouster plot na wala man lamang verification.

 

Bukod sa pagpapabawi sa matrix, nanawagan ang GABRIELA sa gobyerno na humingi din ng paumanhin kina Ho at Diaz matapos ang ginawang pagbawi sa pangalan ng mga ito sa ‘Ouster plot diagram’.

Facebook Comments