INIREKOMENDA | Mga sangkot sa drug smuggling sa Cavite at MICP, dapat maimbestigahan ng DOJ

Manila, Philippines – Inirekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee sa Department of Justice (DOJ) na imbestigahan ang 18 sangkot sa drug smuggling sa GMA, Cavite at sa Manila International Container Port (MICP).

Sa 46 pahinang report ng komite, nakasaad na dapat kasuhan ng kriminal at administratibo ang mga suspek kung may sapat na ebidensya laban sa kanila.

Nakapaloob rin sa committee report ang pagsasailalim sa lifestyle sa mga ito.


Kabilang sa pinaiimbestigahan ng Senado sina dating Philippine Drug Enforcement (PDEA) Deputy Director General Ismael Fajardo, dating Police Superintendent Eduardo Acierto at ang x-ray examiner ng Bureau of Customs (BOC) na nalusutan ng mga ilegal na droga.

Nais rin ng Senado na imbestigahan ang mga Chinese importer at consignee ng mga magnetic lifters na pinaglagyan ng mga ilegal na droga.

Pinaiimbestigahan rin sa DOJ pero inirekomendang isailalim sa Witness Protection Program (WPP) ang dating intelligence officer ng boc na si Jimmy Guban.

Ang committee report ay pirmado ng 14 na senador at dadalhin sa plenaryo para sa deliberasyon.

Facebook Comments