Inisyal na Bilang ng ‘Leftout families’ sa Rehiyon, Naisumite na sa DSWD

Cauayan City, Isabela- Umabot na sa 60 Local Government Unit ang nakapagbigay ng kabuuang listahan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 para sa mga tatanggap ng ayuda o ‘leftout families’ sa buong Cagayan Valley.

Ito ay matapos na hindi mapasama ang ibang mga pamilya na tumanggap ng naunang bugso ng Social Amelioration Program.

Ayon kay Regional Information Officer Jeanet Lozano,nasa inisyal na 33 libong mga pangalan ang naibigay pa lang ng mga LGUs habang hinihintay ang natitirang 64 na libong mga listahan ng pangalan ng bawat pamilya.


Aniya, nasa 27 LGUs sa Isabela, 22 Cagayan, 5 sa Nueva Vizcaya at Quirino habang nananatili sa 1 ang Probinsya ng Batanes partikular ang Bayan ng Itbayat.

Inaasahan naman na anumang araw ay maibaba na ang pondo para maumpisahan na ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa bawat pamilya.

Facebook Comments