Init na nararamdaman, mas lalo pang titindi

83

Weather – Lalo pang iinit ngayong weekend partikular sa Luzon.
Posibleng pumalo sa 41 degrees Celsius ang init na mararamdaman o heat index sa Metro Manila, Tuguegarao, at Laoag.

Pinakamainit naman sa Dagupan sa 42 degrees Celsius.

Sa Pangasinan at Palawan, mataas ang tsansa ng ulan ngayong weekend dahil sa thunderstorms.

Pinag-iingat naman sa Mindanao lalo na sa Lanao del Sur, Davao, Maguindanao, Sultan Kudarat at South Cotabato dahil sa inaasahang ulan doon ngayong weekend.

Dahil sa init ng panahon, natutuyo na ang mga palaisdaan sa Bayambang, Pangasinan, ayon sa Municipal Agriculturist ng Bayambang, higit 50 fish ponds ang tuyot na.

Sa Puerto Princesa naman, humina ang supply ng tubig ng ilang residente dahil bumababa ang lebel ng tubig sa Campo uno dam. Natutuyo na kasi ang mga ilog.

Ang agwat ng temperatura sa Metro Manila ay 36 hanggang 26 degrees celcius.

*Sunrise: 5:31 ng umaga*
*Sunset: 6:14 ng gabi*
DZXL558

Facebook Comments