Initial analyses para sa lagundi at VCO kontra COVID-19, ilalabas na sa Hulyo

Posibleng mailabas na ng Department of Science and Technology (DOST) sa susunod na buwan ang preliminary results ng pag-aaral nito sa bisa ng lagundi at virgin coconut oil bilang mga potensyal na gamot laban sa COVID-19.

Sabi ni DOST-Philippine Council for Health Research and Development director Dr. Jaime Montoya, sa Hulyo ay posibleng makumpleto na ang datos ukol sap ag-aaral.

Una nang sinabi ni DOST chief Fortunato Dela Peña na matatapos ang pag-aaral ng VCO sa katapusan ng Hunyo habang ang clinical trials para sa lagundi ay nagsimula noon pang Oktubre ng nakaraang taon.


Samantala, posibleng matagalan pa ang clinical trials ng herbal plant na tawa-tawa.

Ayon kay Montoya, naghihintay pa rin kasi sila ng mas maraming volunteers na lalahok sa pag-aaral.

Facebook Comments