INIUTOS | Philippine Sugar Corporation, binuwag ni Pangulong Rodrigo Duterte

Manila, Philippines – Pinabubuwag na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tanggapan ng Philippine Sugar Corporation (PhilSuCor).

Batay ito sa memorandum circular 30 na inilabas ng Office of the President na may petsang October 25, 2018 at pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Ang PhilSuCor ay isang Government-Owned and Controlled Corporation (GOCC) na nilikha noong Nobyembre 14, 1983 sa ilalim ng presidential decree 1890 na may layong magkaloob ng tulong pinansyal para sa industriya ng pag-aasukal.


Sa ilalim ng R.A. 10149 o GOCC governance act of 2011, inirekomenda ng Governance Commission for GOCC (GCG) ang pagbuwag sa philsucor dahil sa duplication ng trabaho nito sa Sugar Regulatory Administration (SRA).

Pagkakalooban naman ng kaukulang kompensasyon ang mga maapektuhang opisyal ng PhilSuCor

Facebook Comments