Iniwang pinsala ng Bagyong Egay sa imprastraktura, pumalo sa higit P1-B; pinsala naman sa sektor ng agrikultura, lumobo na sa halos P900-M

Umabot sa P1.1 billion ang halaga ng pinsala sa imprastraktura bunsod nang pananalasa ng nagdaang Bagyong Egay.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 155 imprastraktura sa kabuuan ang napinsala kung saan pinakamarami rito ay mula sa Region 2 na sinundan ng Region 1, MIMAROPA, Region 5, 12, 6, 11 at BARMM.

Mayroon ding nasirang government facilities, mga sasakyan at educational materials.


Winasak din ng bagyo ang nasa halos 10,000 kabahayan kung saan 9,248 dito ang partially damage at 376 ang totally damage.

Samantala, nakapagtala ng mahigit P833-M halaga ng pinsala sa agrikultura sa Regions 2 & 6, CALABARZON at CAR.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang assessment ng mga awtoridad at posible pang tumaas ang halaga ng iniwang pinsala ng Bagyong Egay sa bansa.

Facebook Comments