INJURED | Greg Slaughter hindi pa sigurado kung makakapaglaro kontra Qatar

24

Hindi pa rin sigurado kung makakapaglaro si Greg Slaughter laban sa Qatar sa ikaapat na window ng FIBA World Cup Qualifiers.

Hanggang ngayon kasi ay iniinda pa rin ng Barangay Ginebra big man ang tinamo nitong left ankle sprain.

Dahil dito hindi nakapaglaro si Slaughter kontra Iran kung saan natalo ang Team Pilipinas, 81-73 sa Tehran.

Hindi rin nakasama sa dalawang practice ng koponan si Gregzilla pagkatapos ng laban sa Iran.

Makakaharap ng Team Pilipinas ang Qatar sa Lunes sa isang closed door match sa Big Dome.

Facebook Comments