Inside Job ang Nakikitang Motibo ng Pagnanakaw sa Malaking Rice Mill!

Cauayan City, Isabela – Kasalukuyan pa rin ang sinasagawang pagsisiyasat ng kapulisan sa naganap na panloloob sa isang malaking rice mill dito sa lungsod ng Cauayan.

Batay na naging pahayag ni Police Senior Inspector Esem Galiza, Police Community Relation (PCR) Officer ng PNP Cauayan City na tinitingnan ang motibong inside job sa naganap na pagnanakaw sa malaking rice mil dahil sa hindi nakita o nahagip sa CCTV ang mismong lugar na pinasukan ng mga magnanakaw.

Dahil dito sasailalim ang lahat ng empleyado ng rice mill sa lie detector test upang maliwanagan ang motibong inside job sa naturang pagnanakaw.


Sinabi pa ni PSI Galiza na wala pang eksaktong halaga ang laman ng vaults dahil hindi pa umano tapos ang imbentaryo ng rice mill.

Matatandaan na pinasok at ninakawan ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang rice mill sa barangay Nungnungan dos Cauayan City na pag-aari ni Chery Lao kung saan sinira ang vaultz at hindi pa matukoy ang halagang pera.

Naganap ito kamakailan kung saan sinira ng magnanakaw ang vaults at likod ng pader na nasa likod ng pintuan ng rice mill na nagsilbing lagusan ng mga kawatan.

tagas: Luzon, RMN News Cauayan, DWKD 985 Cauayan, PNP Cauayan City, PSI Esem Galiza.

Facebook Comments